TESDA Program Para Sa Tarlakenyo!
Setyembre 24, 2020 |Huwebes
Live sa Radyo DZTC 828 KHZ – TESDA Tarlac sa pangunguna ni Provincial Director Engr. John B. Adawey ay nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagong programa ng ahensiya para sa mga tarlakenyo.
Katuwang sina Leonardo R. Tabamo, Center Administrator ng Provincial Training Center-Tarlac, Engr. Alvin T. Castro, TESD Specialist II, Rico D. Briones, Vocational Instruction Supervisor ng Concepcion Vocational School at si Franklin M. Macasaquit, Acting Public Information Officer ng TESDA Provincial Office.
Sa panayam kay Mr. Tabamo, ibinahagi nya ang mga bagong programa na inilulunsad ng Provincial Training Center-Tarlac. Kasama ang mga hakbang na layuning makapag bigay ng training sa lahat ng nangangaylangan para sa kanilang pangkabuhayan. “Tayo sa TESDA ay abot lahat kahit saan mang lugar. Ang training na ito ay para sa mamamayang pilipino na makakatulong sa knilang pangkabuhayan”.
Ayon kay Engr. Castro, maraming programa na binibigay kagaya na lamang ng Automotive Servicing NC I, Shielded Metal Arc Welding NC I, Electrical Installation and Maintenance NC II, Computer Systems Servicing NC II, RAC Servicing NC II at Driving NC II na nasa ilalim ng scholarship programs. Bukod sa libre ay may mga matatanggap pang benepisyo katulad ng daily allowance, internet allowance, Personal Protective Equipment allowance, at toolkits na magagamit nila sa kanilang pangkabuhayan.
Samantala, sa panayam ky Mr. Macasaquit ng Provincial Office patungkol sa aksyon ng TESDA Tarlac sa programa para sa Executive Order No. 7O. “Nagsimula na tayong maglaunched ng Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) project nuong July 28, 2020, na layuning bigyan ng income generating livelihood ang mga nasa laylayan o marginalized sector. Sinimulan natin ito sa Sitio Paquillao Barangay Care, Tarlac City at ang mga benepisyaryo ay mga Paquillao Aeta Native Abelling Tribe-Indigeneous Peoples. Binanggit din nya na nagsimula nang mabigyan ng training ang mga kasundaluhan at pasimula nadin ang mga kapulisan na magiging katuwang sa pagbibigay ng training alinsunod sa Memorandum of Agreement ng TESDA sa Department of National Defense.
Kaugnay pa nito, Nagbigay din ng mga impormasyon si Mr. Briones sa mga programa ngayon ng Concepcion Vocational School. “Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, Agricultural Crops Production NC II, Animal Production (Poultry-Chicken) NC II, Animal Production (Swine) NC II, Organic Agriculture Production NC II at Solar Powered Irrigation System Operation and Maintenance ay ilan lamang sa kasalukuyang programa na binibigay ng ating eskwelahan”. Inilatag din niya ang mga agricultural trainings na prioridad para sa ating food security. Gayundin ang mga inisyatibo na ginagawa nila para mailapit ang mga programa sa mamamayan.
Sa pagtatapos ng programa, hinikayat ni Mr. Tabamo ang lahat na gustong mag training sa TESDA na magtungo lamang sila sa knilang tanggapan o mag register sa online, at maaari din silang tumawag sa mga number na ibinigay.