TESDA Tutulungan Ang Mga Umuwing OFWs
Magbibigay ng libreng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) partikular na ang mga nagkaroon ng problema sa kanilang napuntahang bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, layunin ng programang ito na matulungan ang mga umuwing OFWs na mabigyan ng skills training na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
Sa pamamagitan din ng programang ito ay matutukoy ng TESDA kung anong skills training ang ipagkakaloob sa umuwing OFWs base na rin sa kanilang kaalaman na hahasain para sa kanilang pagkakakitaan o itatayong negosyo.
Bukod sa libreng skills training ay mabibigyan din ng free assessment at certification ang mga OFW na tutugma sa mga kinakailangan trabaho sa loob at labas ng bansa habang isasama din ng TESDA sa proyektong ito ang kanilang mga kaanak (immediate family member).
Para sa mga interesadong aplikante, maaaring magtungo sa kanilang regional, provincial at district offices ng TESDA at dalhin ang mga kinakailangang dokumento tulad ng referral letter mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kung wala ang pangalan sa database ng ahensiya at pasaporte ng umuwing OFW.
Sa mga kaanak naman ng mga umuwing OFW na nagnanais na mapasama sa programang ito ay kinakailangang magdala ng photocopy ng passport ng kanilang kapamilyang OFW, letter of authorization mula sa umuwing OFW at marriage or birth certificate na nagpapatunay na may kamag-anak itong OFW na umuwi sa bansa.
Upang mas maging epektibo ang programang ito ay bumuo din ang TESDA ng database para sa mga umuwing OFWs at kanilang mga kaanak na nakinabang sa naturang proyekto para mas mapadali ang gagawing monitoring ng ahensiya.
Sir/ Madam,
Pwede pa kaya yung mga Anak ko sa Libreng aral sa TESDA…? Na-cancel po sila sa trabaho sa Qatar nung September 2016 dahil sa epecto ng oil crisis sa Middle East…hanggang ngayun di pa rin po sila makahanap ng trabaho…Nandito po silang 3 sa Tarlac ngayun walang mga trabaho…
Kung Pwede pa po sila, ano po ang mga requirements para makapag-training ng Libre sa TESDA…?
Salamat po…
OFW po ako na napauwi ng wala sa panahon (1 taon lang ako sa Saudi) dahil sa Oil crisis…
Itong Programang sinasabi nyo na libre aral para sa mga OFW ay tapos na raw…?
Wala po bang sunod na batch…? Gustong -gusto ko pong makapag-aral sa TESDA…
Sana magkaroon po ng susunod na batch…
Ma-priority sana yung galing talaga sa abroad…