Training Ng Tesda Ilalapit Sa Tao
Upang mas higit pang maabot ang mga taong gustong magkaroon ng sapat na kasanayan ay ilulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Mobile Training Laboratory (MTL) na layuning mapuntahan at mabigyan ng skills training ang mga naninirahan sa malalayong lugar sa bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan ng MTL ay hindi na kinakailangan magtungo ng mga gustong magkaroon ng kasanayan sa mga training institutions dahil mismong ang ahensiya na ang magtutungo sa kanilang mga lugar.
Aniya, sa darating na Miyerkules (July 19) ay ipamamahagi na ang MTL sa sampung napiling mahihirap na probinsiya sa bansa ito ay kinabibilangan ng Apayao, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Zamboanga del Norte, Camiguin, Lanao del Sur, Maguindanao, Northern Cotobato at Saranggani.
“The MTL are training facilities can be easily transported from one place to another within the province. It is composed of four movable compact boxes on a trailer that includes tools, equipment, training package and multi-media equipment and accessories”, saad pa ni Mamondiong.
Gaganapin ang turn over ceremony ng mga MTL sa Iligan City National High School na matatagpuan sa Mahayahay, Iligan City kasabay din ng paglulunsad ng iba’t-ibang programa ng TESDA tulad ng Massive Skills Training at TESDA Emergency Program for TVET Trainers and Assessors (TEPTTA).
Magiging katuwang ng TESDA sa programang ito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na siyang nagbigay ng pondo upang magkaroon ng katuparaan ang proyektong ito.
Kabilang sa mga training programs na ipagkakaloob sa mga residente ng sampung nabanggit na probinsiya ay ang Appliance Repair, Bread and Pastry, Cookery, Electrical Installation and Maintenance, Food Processing, Plumbing at Small Engine Repair.
“The Mobile Training Laboratory (MTL) is a training delivery model designed to implement technology-based training programs in far-flung communities of the country’s 10 poorest provinces in terms of poverty incidence through portable boxes containing tolls and equipment, mock-ups and training packages in designated places in the community as a venue of training. A total of sixty (60) MTLs at six (6) MTLs for each province shall be fabricated and delivered to the beneficiary provinces”, nakasaad pa sa program description ng proyektong ito.