Skills Training Sa Barangay Naging Matagumpay
Naging matagumpay ang Barangay Kabuhayan Skills Training Program (BKSTP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na layuning mabigyan ng skills training ang mga naninirahan sa fourth, fifth at sixth class municipalities sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9509 – Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008 na iniakda ni Senator Loren Legarda, nabigyan ng pagkakataon ang mga naninirahan sa mahihirap na munisipalidad na magkaroon ng skills training na kanilang magagamit sa paghahapbuhay.
Kabilang sa mga residenteng nabiyayaan ng BKSTP ay nagmula sa Region I, Region IV-A, Region IV-B, Region V, Region VI, Region VII, Region VIII, Region IX, Region X, Region XI, Cordillera Administrative Region (CAR), CARAGA at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, malaki ang naitulong ng programang ito sa 4th, 5that 6th class communities dahil bukod sa pagbibigay ng skills training ay nabigyan din ang mga residente ng livelihood training para madagdagan ang kanilang pinagkakakitaan.
“One of the objectives of the BKSTP is to provide skills training for the beneficiaries in the 4th, 5th and 6th class municipalities in order to equip them with employable skills to make them economically productive through wage or self-employment”, sabi pa ni Mamondiong.
Base sa talaan, ang CAR ang may pinakamataas na bilang ng mga kumuha ng skills training na may 3,130 na nag-enrol, Region I-68, Region IV-A-1,083, Region IV-B-1,794, Region V-488, Region VI-1,339, Region VII-41, Region VIII-76, Region IX-715, Region X-1,592, Region XI-107, CARAGA-901 at ARMM-1,029.
Mula sa kabuuang bilang na 12,363 nag-enrol, 11,598 sa mga ito ang nagtapos sa training program na kanilang napili habang 9,133 ang nagpa-assess at 8,436 sa mga ito ang nabigyan ng certificate matapos pumasa sa assessment.